Bawal ang TAMAD, Bawal ang TANGA
Kapag binasa mo ang titulo nito, maaaring masindak ka, mainis siguro. Aakalain na isang insulto, di po ba? Ang mahirap kasi sa ating mga Pinoy, "allergic" tayo sa salitang BAWAL. Ang gusto natin ay lubos lubos ligaya na walang kahig mula sa atin.
Ito marahil ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay marami pa ring mga tao ang nagdadalawang isip piliin ang tambalang GORDON-BAYANI. Takot silang mapalo sa puwet ni BF kapag hindi nila ginagawa nang tama ang kanilang mga tungkulin o kung lalabag sila sa batas. Hindi rin nila siguro matanggap na kapag si DICK GORDON ang pangulo, sisiguruhin niyang magtatrabaho ang lahat at mag-aaral ang bawat kabataan, kaya tapos na ang maliligayang araw ng mga mahihilig tumoma mula umaga hanggang gabi at mga batang walang inatupag kundi mag-bilyar o mag-"counterstrike" buong araw.
Hindi ba kapansin-pansin na karamihan ng mga Pilipino ay ganito - imahe ni Juan Tamad(kung bakit siya ang napiling karakter na kumakatawan sa Pinoy ay di ko maintindihan at matanggap), naghihintay na lang na pumatak ang grasya sa harapan niya. Kaya nga ba marami ang nalilinlang ng ibang mga kandidato, kasi yan ang nais nila - na bumuntot ang mga tao sa kanila dahil hawak nila ang kinabukasan ng mga ito. MALING-MALI!!! Hindi nakasalalay sa ibang tao ang kinabukasan mo, Pinoy. Ito'y nasa iyong mga kamay. Kaya nga ba ang pakiusap nila RJG at BF ay pag-isipan nang mabuti at pagnilayan nang lubos ang mga iboboto ngayong Mayo 10. Nasa isip at palad ng bawat mamamayang Pilipino ang kinabukasan ng bayang Pilipinas. Pumili nang wasto, bumoto nang nararapat.
Sa tambalang GORDON-BAYANI, makasisiguro tayong kasama nila tayo sa pag-angat muli ng bansang Pilipinas. Kasama tayo sa hirap, kaya't siguradong kabahagi tayo sa ginhawa. Di ba't ang pinakamasarap na tagumpay ay yaong higit mong pinaghirapan at pinagbuhusan ng lakas at panahon? Ito ang sa tingin ko'y higit nang nalilimutan nating mga Pilipino - ang bumakas sa responsibilidad na pagtibayin ang ating bansa. Sa mundong pinagagalaw na ngayon ng "instant" at "automatic", ang nais natin ay yung madaliang asenso at mabilisang kita. Di ba't yan ang dahilan kung bakit talamak ang kurapsyon sa pamahalaan at dayaan tuwing eleksyon?
Narito ang tambalang subok na ng panahon...tambalang sisiguro na lahat tayo ay magtatrabaho...gagawin ang sari-sarili nating mga obligasyon para sa kaunlaran ng bansa. Kaya sila ang aking napili...dahil may malasakit ako sa bayang ito, nais kong makibahagi sa muling pagbangon ng Pilipinas at makaranas ng isang Bagumbayan!
(Ang mga larawan ay hindi ko pag-aari at hiram lamang mula kina Roman Po at A.A. Almonte...maraming salamat po sa kanila)
Labels: Cathee C. Villarama-Roden
“My Election Journey” by Promdi2010

Featuring an entry from Cathee C. Villarama-Roden’s Promdi2010 blog. Here are a few excepts from the article.
I had always been an admirer of Sen. Richard Gordon. Likewise, I had high respect and regard for MMDA Chairman Bayani Fernando. Even though their names would crop up every now and then about possible run for the presidency, it wasn’t sure then that they actually would. And so while I was dealing with the Villar and Aquino chapters of my election journey, their names remained on park bay with me.
Listen to both Sen. Gordon and Chairman Fernando every time they have an opportunity to speak out to people…they both go to the specifics…even if some of those measures will mean hard work, discipline and sacrifice for the Filipino. Never did I hear them promise that that like superheroes, they would eradicate corruption and poverty…their battlecry has always been VOLUNTEERISM and A CHANGE IN MEN. What they’re offering the country and Filipinos is the opportunity to change philosophies and beliefs – “pagbabagong magmumula sa puso at diwa ng bawat Pilipino”.
Read the full post here: http://promdi2010.blogspot.com/2010/04/day-100-my-election-journey.html
Labels: Cathee C. Villarama-Roden
